Wednesday, December 31, 2008

New Year.. New Family

"Back to Zero. Tapos na its over. Kalimutan na natin ang taong nakalipas at mag umpisa ng panibago." Ito ang mga salitang nabitawan ko nang mag-usap usap kami kagabi sa Munting Buhangin Beach Camp. Ito ang nakikita kong solusyon sa patuloy na pagpupunyagi ng kadiliman sa aming pamilya. Tama na please naman! 20 years na ang nakalipas at panahon na na magbago lahat. Sa totoo lang mukhang may pag- asa. Mukhang darating din ang bukas na aking nakikita sa aking mga panaginip. May mga kelangan lang gawin at isakripisyo para matupad ito. Ito ang mga sumusunod:

1. Simula ngayun e sabay sabay na kakain sa hapag kainan. Walang kakain pag wala ang isa. Walang excuse. Gugustuhin mo bang magutom ang taong mahal mo? Well mag kakaalaman na.

2. Once a month e magsisimba na tyo sa New Life. Isang simbahan ng mga born again sa Alabang Hills. New Life = Born Again. Ang galing ng pangalan no. Pagbigyan na ang nanay at nang bumait ng konti.

3. Di na pwede maghugas ng pinggan ang nanay. As in bawal na igapos na sa upuan. Hirap kasi pag naghuhugas o may ginawang gawaing bahay e may maririnig kang reklamo minsan. Gumawa ka ng taos sa puso mo at para walang ingay. Tsaka panahon na siguro na hindi sya maghugas ngayun ng pinggan o gumawa ng kahit ano. Matanda ka na magsaya ka na lag.

4. Ang extra income ng tatay e kami na ang magmamanage para di nakakaligtaan ang pagbabayad ng bahay. Kasi napupunta pa rin saming dalawang magkapatid yun samantalang kami na lahat nagbabayad ng bills. Kelangan ko rin ng panggastos sa sarili ko. Isa na akong dukha. Kelagna makapagsve din sya para in the future e madudukot sya. Wag maging mas mahalaga ang barkada o relatives kasi once na magkagipitan, iiwanan ka ng mga yan. Pramis! Mas mahalaga ang pera sa nakakaraming nilalang dito sa mundo. Depende na lang kung mahal ka ng mga yan.

5. Sige ako magiging mahinahon ako at pipigilan kong mafrustrate. Nakakaprustrate naman talaga e kasi ang pangarap ko e kasma kayong lahat. Mahirap pag nakikita ko na di ayon sa plano ko ang ginagawa nyo. Di ko kasi nakikita ang asenso. Kaya magbago tyo. Bibigyan ko rin ng panahon ang sarili ko at ngayun may pagkakataon na kayo ng bigyan ako ng suporta.

6. Isang linggo e magtetenis o mag gogolf para makasama naman ang ama. Kung meron si mami dapat meron din si dadi. "Kung may disiplina, pantay pantay." Bayani Fernando quote yan. Well gusto ko rin talaga matuto mag golf. Masaya pag nakakatama ka ng bola pramis. At work out din. Mananapak din ako sa mga golf course gaya ng ginawa ni mayor. hehe Joke lang.

7. Babaguhin na namin ang ayos ng bahay namin. Papalitan ang flooring. Papaluwagin para mawala ang pressure. Nakakapagod kasi magstay dito e. Parang mas ok pa tumira sa kalsada. Tatanggalin ang mga malalaking upuan na di naman nagagamit. Alisin na ang mga masasamang ispirito. Di ka na namin kelangan dito.

Ang gusto ko lang naman e maging masaya ang aking pamilya sa taong ito at sa mga susunod pa. Actually di pa kami nagpapasko kasi ayokong ugaliin na tuwing pasko e dun lang kayo magbibigayan, dun lang kayo magbibigay ng pagmamahal. Hindi dapat ganun. Gawing araw araw ang pasko. Ang pamilya namin para kasing kotseng may sira ang makina. Bat mo bibilhan ng bagong gulong kung di naman umaandar, bat mo lilinisin dba? Pero pag naayus eto madali na lang ang lahat.

Sa mga taong nanakit at mananakit pa sa akin at sa aking pamilya. Tahimik lang ako..wala akong sasabihin.. di ako manggugulo pero ito lang, sisiguraduhin kong magugulat kayo. At di nyo kakayanin ang bagyong darating sa harap nyo. Di mahalaga ang pera sa mundo kasi madali lang ito kunin. Kelangan lang magtulungan at di magpataasan. Babay na 2008. Marami kang tinuro sakin. Marami akong naging karanasan. May tamis at may pait, may dapat tandaan at dapat kalimutan. Salamat!

3 comments:

Unknown said...

gl hf gg hehe. kaya nyo yan

Pinay in Heels said...

ako kaya kelan maayos ang akin?

mordsith said...

sa totoo lang, ayoko na rin magluto pa ang nanay ko at kung anuman gawain sa bahay. ilang oras kasi ang litanya sa kapaguran niya. wala akong magagawa, hindi ako marunong magluto e. pero masaya na rin ako at may masarap na pagkain kapag kasama ko siya, di ko na lang papansinin ang litanya.

yung bahay namin, gusto ko rin ipatapon o ipamigay lahat ng hindi ginagamit. kaso lahat ata ng gamit sa amin may sentimental value sa nanay ko,kaya ayun, punong puno ng mga bagay na hindi ginagamit at nakakasikip. kahit malinis, kalat tingnan. ala rin akong magagawa. hindi ko naman sariling bahay yun.

teka, parang wala ata akong magagawa na resolusyon ah. sana lang magawa natin ang mga bagay na sasaya tayo.

(p.s. bakit walang i.ph dito? sama mo sa resolusyon mo na payagan mag comment kami dito) - mordsith.i.ph