Tuesday, March 24, 2009

The Godfather

Quezon City - Di madalas na magkakaksama sama kayo ng iba mong kaibigan sa kolehiyo. Pagkagraduate kasi madalas na collegemate at opismate ang lagi mong kasama.
Pero isa lang ang aking narealize: di mo dapat sila kalimutan pati na ang pinagsamahan nyo. Mali man ito sa paningin ng ibang tao.
Masaya ang naging inuman namin. Isipin mo nagkita kita lang kami dahil sa Facebook. May isa galing pang Nueva Ecija para lang makipagkwentuhan sa amin. Ok naman sila lahat. Iba may mga trabaho na at yung iba naman e nakapagtapos na rin ng pag-aaral. Di man ito sa UP e ok na rin. Marami na rin silang natutunan. Para sakin di talaga mahalaga kung san ka nakapag-aral. Wala dun ang pag-asenso.
Sinabi ko sa kanila ang mga ginagawa ko at kung bakit ako hindi pa nagpapractice. Mahirap ang buhay, ayokong matamasa ang yaman ng 50 anyos. Sabi ko sa kanila na daapt maging malulupit kayo kasi minsan sa hinaharap hihingan ko kayo ng tulong. Alam ko kasing kaya nila at alam kong may magiging politiko sa kanila. Pag hiningan ko kayo ng mabigat na pabor ibig sabihin buo ang tiwala ko sa inyo. Di ako hihingi ng tulong sa mga meron akong konting pagdududa man lang. Sa kanilang pagkatao..
Tama ang sinabi nila, ang natutunan mo ay ang totoong lagay ng buhay. Kung sinong nagpapayo sayo pag nagkaron ng problema sya rin ang tatapak sa iyong pagkatao. Kaya dapat tyo maging handa.
Wala sa pera pera ang lahat. Nasa taong ipagtatanggol ka hanggapng patayan.
Sabi ko sakin sila magpapadesign ng bahay. Ibig sabihin di ko sinasara ang pagiging arkitekto. Darating yun sa tamang oras. 30 yrs old ang nakikita ko.

Saturday, February 28, 2009

Parang Magic!

Dalawang linggo akong naghintay para lang sa araw na ito. Na makuha ko ang inisip ko. Na ang mga sakripisyo ay magkaroon ng bunga. Salamat sa lahat ng tumulong darating na rin ang bagong sasakyan. Di ito pansarili lalo na pampapogi. Ito ay para maipagpatuloy ang pagtulong kahit lang sa maliit na paraan. Sabi ko nga kay manong at mang romy.. hintay lang kayo at magtiis. May pag-asa ang lahat magtulungan lang tayo.
Nahirapan kami sa pagkuha ng bagong unit kasi la naman kaming malaking pera. Dumaan sa butas ng karayom.. nagtiis. Lagi kong sinasabi na kung ako lang e may malaking sweldo e tapos na ang lahat. Pero sa totoo lang e mas masarap na nagagawa ko ito ng meron lang akong konti. Dahil alam kong madali na lang sa darating na mga panahon. Masarap kung nagawa mo galing sa wala kasi parang Magic! Ang galing!
In time gusto ko bumili ng van at bilhin ang kapitbahay namin. Magagawa ko yun. I'm still burning!

Tuesday, February 17, 2009

Kelangan ko ng Pahinga

Whew! Sa mga nakalipas na araw wala akong pahinga. Pinuntahan ko lahat ng pdeng punahan. Ginawa ang lahat ng pwedeng subukan. Nakakapagod din pala. Kelangan ko ng pahinga.

Mula nung dumating ang kaibigan ko galing Oman e lagi na akong napapadpad sa QC. Medyo wala sa schedule at wala rin sa budget. Tangnin rason ko na lang sa aking sarili e minsan lang naman. Pero dumalas ang minsan kaya parang araw araw na.

Galing sa pagrorow nung madaling araw napadpad ako sa Xavierville. Nakivalentine,s party at nadagdagan siguro ng 2 kilo ang timbang. Nagpakunsulta kay Noel kaya ngayon e dinadagdagan ko na rin ng konting kolesterol ang aking katawan. Masasabi ko kasing ang diet ko e zero cholesterol mula nang malaman ko ang mga facts tungkol sa tamang nutrition. Binigyan nya rin ako ng tips para makuha ko ang aking goal na 12% body fat pero kahit yun e tinigil ko muna. Mahirap kasi pagsabay sabayin ang pag iisip at ang pagbabawas ng timbang. Meron pa kasi akong gustong mangyari e.. inaantay ko pa lang matupad.

Pagkatapos e binisita ko si Foomberto para tumulong. Ayun kahit papano e may naitulong naman kami ni Ismael. Inabot kami doon ng halos ala una na ng madaling araw. Pagkatapos kila foom e pinuntahan ko naman si Hanne sa Technohub. Grabe parang sa isang araw e mabibisita ko lahat ng blockmates ko. Pumunta kaming pampanga para manood ng mga baloons. Thank God hindi bumigay ang sasakyan. Kaya pa pala papunta ng Angeles.

Pagkabalik e pumunta naman ako kila Sudar para kumuha ng trabaho. Di ko akalain mg parang susuko na sya. Hehe kala ko pa naman diyos sya ng arki. Take home animation ang ginawa ko. Kahit papaano e nakatulong naman daw. Di ko na talaga kaya pumunta muna ng Katips kaya di na ko nakatulong sa model. Kung diyan lang ako nakatira edi sana kahit araw araw pa.

Tapos despedida naman ni Janrey. Haay from north to south to north to sounth na ako. Marami raming gas na rin ang nasusunog at tolgate na nagagastos. Di pa ko mayaman kaya iniisip ko pa tong mga gastos na ito. Isipin mo P130 kagad tollgate pa lang. Kung sana walang toll kaya pa. Bibili talaga ako ng condo dyan sa norte para matanggal ko ang tollgate sa equation. Yun ay kung walang magpapatira sakin. ^^

Sa wakas nakauwi din ako at sinabi kong break muna. Buti na lang at may butas yung power steering hose at di ko pa pinagwa. Yun nga lang nakaparada kung saan ako nag eexercise. Kelangan mawala na iyon sa Lunes kasi nahuhuli na ako sa laban.

Sana dumating na yung hinihintay ko para maisaayos ang aking finances. Kelangan na nyang magsettle medyo sabog pa sa ngayon. Tiis tiss muna mga kapatid. Darating din ang umangang kay ganda. Wish ko lang. Hanggang sa muli.. paalam!

Friday, February 13, 2009

Im Not that Dead

Isang talinhagang nagmula sa tinig ng anino. Walang malay, ulira't isip sa ulo. Bakit ba minsa'y hindi ka makahinga. Pero sa katunayan ikaw ay buhay pa. Oo totoo nagkamali ka. Buhay mo'y nawasak dahil sa disgrasya. Di mo dapat ipagkaila bagkus ay aminin, na buhay mo'y lumaktaw isang ihip ng hangin.
bow!
---
Nakakapagod ang araw ko. Buong oras nasa lansangan naghahanap ng radyo. Pinagkasya ang perang pinagpuyatan. Para mabago lamang ang gulong sa likuran. Natuwa ako sa mga nangyari, nagkatotoo aking mga sinabi. Although meron naging problema. Nasira ang araw ko pansamantala. Biruin mo sira ang nabiling piyesa na iniisip kong gamitin sa aking paglarga. Buti na lang bukas pa ang tindahan ni aling Nena.
Bukas maglalakbay ako, paputa sa laot na sobrang baho. Pero ito'y di ko iindahin. Dahil ito ang gusto ng aking damdamin. Maramdaman ko lang na may tibok pa.. ang pusong sinaksak at tinapon sa basura. Babalik ako itaga mo sa bato. Dahil humihinga pa ang minsa'y pinatay mo. Amen!

Monday, February 9, 2009

Ama Ina Anak - Family Update v.1

MUNTINLUPA - Kung mapapansin nyo ang gumagandang atmosphere ng Ramirez residence sa ngayon, pde mong pasalamatan ang araw kung saan tinanggap ng bawat isa na dapat silang magbago para sa ikagaganda ng lahat.
"Maganda ang mga nangyayari. Di na masyadong nag-iingay ang ina. Buhay na naman ang dugo niya at ngayon ay sumasideline pa sa real estate. Sa ngayon ok na sa kanya ang pagseserve sa Diyos sa New Life."
Ganun lang talaga siguro ang kanyang gusto. Na kahit papano e samahan syang magsimba kahit isang sunday lang sa buong buwan. Nakakagulat nga last Sunday alam pala ng ama na magsisimba. Di expected kasi may gagawin sya sa tennis court. Iniisip nya rin pala ang mga kelangan nyang gawin para sa pamilya, para sa inay. Although minsan makulit pa rin si ina tungkol sa kanyang mga paniniwala.. ok lang.
Ano na ang nanay ko ngayon? Araw araw may opis sa simbahan. Nakakalungkot pero naghuhugas pa rin ng pinggan. Dapat pabayaan na niyang mga daga ang gumawa nito. Taga pamalengke ng pagkain. Di na lang sya sa bahay kasi sumasama na siya sa kapatid nya ulit magbenta ng bahay at lupa.
"Wala, wala naman, wala namang perpektong tao. Ano ba ang epekto kung meron kang depekto?"
Isa lang iniisip ng mga ama. Ang bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Ang makakain sila tatlong beses sa isang araw. Ang maibigay sa kanila ang kanilang mga pangangailangan. Anong mangyayari pag isang araw tinanggal sa kanya ang kakayahang bumili man lang ng bigas. Ang bumalik sa nakaraan.. mula sa aircon na opisina sa pagiging isang hamak na drayber. Mula sa may pera sa pitaka sa ni isang singkong duling wala kang makita. Di ka na magaling ngayon. Kulang na lang magpakamatay ka.
"Sabi nga ng mga eksperto at ng biblia, ang mga taong mapagmataas at mayabang ibababa yan. Kaya dapat tayong magpakumbaba. Imbis na maging radyo tayo na broadcast ng broadcast e maging dyaryo tayo. Hintayin natin silang magbasa ng headline."
Ano na siya ngayon? Meron na syang silbi. At hindi para ipakita na magaling siya, na siya ang Diyos. Ngunit para ipakita na mas mahalagang tumulong at magmahal ng kapwa. Nagtuturo na sya ng kanyang mga kaalaman na dati sinasarili nya. Hindi na rin sya depressed at iniisip lagi na malungkot na konti ang pera. Mahirap lang pero walang kwenta to kung ikukumpara sa paghahatid ng saya sa iba. Sya ngayon ay Father mechanic professor driver at presidente ng tennis club. Busy!
"Minsan kelangan mo lang makinig at pumikit. Maraming darating na pagsubok. Masasaktan ka. Pero ni minsan wag mong isiping sumuko. Tahimik ka lang kasi alam mo sa sarili mo kung anong kaya mong gawin. Wag ka mananakit ng damdamin di mo alam pde ka nilang balikan."
At this rate di malayong makita ang liwanag sa madilim na kweba. Ngayong na ang apoy sa puso'y ginagawang dyamante ang bigkis ng bawat isa. Darating ang araw na wala ng makakatibag sa tanikalang hinubog ng panahon. Pasensya na lang sa mga masasaktan.
----
iiwanan ko kayo ng isang part ng kantang pinapakinggan ko ngayon. The Day that Never Comes by Metallica.
"Mouth so full of lies, Tend to black your eyes. Just keep them closed, Keep praying, Just keep waiting. God I'll make them pay, Take it back one day. I'll end this day, I'll splatter color on this gray."
----
Tampepe is a senior writer of Munt Times and the author of "Nang bumagyo sa iskinita" Click here to email TPP.

Tuesday, February 3, 2009

4D Fireflies

Nung Sabado sinamahan ko si Hanne para bumili ng bisikleta. Eto yung first stop namin. Ang mamahal ng mga gear dito. Pang professional. Pero kung ako lang mayaman dito din ako bibili. Astig kasi ang babait ng mga taong nakilala ko. Nakaka enganyo tuloy sumama sa bundok. Kaso lang pang road lang yung vintage bike ng tatay ko e. Kelangan ko pang mag-isip kung paano ako kukuha ng pambili ng mountain bike. Asawa daw ni Agot Isidro yung nakapula. Kaya pala may picture na ganito amp! Hindi yung kalbo ako yun! hahaha


Dahil medyo may kamahalan ang mga bisikleta dito. Sinamahan kami ni kareen dun sa medyo affordable. Ito ang nabili namin (bike image). Victor daw ang pangalan nya. Pagkatapos bumili kumain kami sa Trinoma at tumambay magdamag sa UP techno park. Sarap pala tumambay dun kasi la pa masyadong tao. Tapos sinundo ko na yung kapatid ko at umuwi na kami sa Munti. Ubos ang gas sa sobrang daming pinuntahan ko. From Munti to Manila para mag row. From Manila to Diliman tapos paikot ikot pa. Bininyagan talaga ang lumang kotse buti na lang hindi bumigay. Namamatayan lang lagi kasi hinihika.

Nung Monday naman pumunta ako sa bahay ng tita ko para mag-edit ng video. Mali nga ata e kasi 2 gulong lang nahirit kong ibigay sakin. Ang hirap din kasi mag-edit lalo na di naman ako ang may say kasi may kasama akong direktor. Bukas pa namin matatapos ang buong video. Sana bigyan nya ko ng radyo para masaya habang nagdadrive. Binigyan nya rin ako ng tsokolate. Ibibigay ko sa mga mag eexercise sa Saturday. Maglalakad lakad din daw si Mikey at Ryan e. Seryoso ang mga mokong! Pero pustahan tulog si Mikey! Astig yung chocolate may lamang shot ng mga hard drink!
Hindi ako nakapag boxing ngayon kasi wala ng space sa garahe. Sama nga at ninanakaw ako ag oras na ito sa paggawa ng mga trabaho sa opisina. Kelangan kong bawiin yun mamayang gabi. Puro na lang ako raket at extra curricular activities. Pero aabot naman ako sa deadline. Nahihirapan lang ako kasi di naman ako 2D artist. Nagpapanggap lang.
May nagcocomment sakin dapat wag na daw ako kumain para tumagal pa ang buhay ko. Lahat ng pinost nya yun yung mga gusto kong kainin. Ano na lang ba ang pde kong makain? Andami ko pa namang hinihingan ng kape. LOL. Kaya ngayon kalabasa at malunggay na lang kakainin ko. Walang uric acid pampalinaw pa ng mata. Tara maghanda na tyo sa Tour of the Fireflies. 1month practice tapos kelangan na makasama sa bundok.
Di ko alam kung pano iarrange yung mga pics!


Wednesday, January 28, 2009

Sopdrinks

Sa totoo lang di ako marunong magsulat at di ako mahilig magbasa. Mas gusto ko pa manood ng video kaysa aralin sa libro ang mga lessons. Kaya siguro ang hina ko sa vocabulary at kaya ayoko ng english language. Di tuloy ako magaling mag ingles. Magbarok expert ako.
Dati feeling ko mamamatay na ko. Parang di dumadaloy dugo ko. Parang di tumitibok ang puso ko. Ang hilig ko kasi sa taba e. Bicol express at breaded pork chop. Yan tuloy pagising ko isang araw di ako makatayo. Sumikip dibdib ko parang pagpinilit mapuputol ang ugat. Pakiramdam ko nagkasakit talaga ako sa puso. Parang na mild stroke ako. Imaginin mo titikim lang ako ng sabaw ng papaitan sumasakit na batok ko. Simula nun di na ko kumain ng taba. Takot akong mamatay e. Ayokong mastroke!
Pag-uwi ko dito sa bahay nung November dun na tumindi. Parang ayaw ko na matulog kasi baka di na ko makagising. Tapos nanghihina yung left side ng katawan ko. Kinabahan talaga ako. Di na nga ako kumakain ng baboy ganun pa rin. Kaya napilitan ako magpacheck up. Actually andami ko nang check up na napuntahan bago nito pero parang di ako naniniwala sa mga doctor. Kasi di nila mahanap sakit ko. Para lang silang namemera.
Ayun antaas pala ng cholesterol ko. Umaabot na sa ulo. At uric acid dahil sa kakakain ko ng sardinas. Akala ko nga meron din akong diabetes e kasi pagkumakain ako ng chocolate parang nanghihina ako. Patayin na lang sana ako kung di ako pde kumain. Hehe. So ngayon konting konti na talaga ako mag tababoy. Di narin ako nagsasardinas at lucky me pancit canton. Patikim tikim na lang. Sabi ko kay Lord wag nya muna ako kukunin kasi marami pa akong gagawin dito sa mundo. ^^
Ngayong linggo parang la akong ginagawa sa opis. Nag-aaral lang ako ng flash dito sa bahay. Parang ako lang ang walang contribution kaya nagiguilty ako. Kelangan ko makagaaw ng game! Ayokong sumweldo ng walang ginagawa at ayoko lalong lalo na matanggal dahil dito. Lagi akong lumalabas kasi tinitingnan ko gumawa tatay ko ng kotse. Badtrip nga e may butas yung radiator parang gusto ko tuloy bilhin lahat ng radiator sa buong mundo. Basta sabi ko sa kanya gagamitin ko yan sa Sabado sira o hindi. Magrorow na ulit ako. 445am daw ang call time. Buti naman at welcome pa rin ako kahit nawala ako ng isang taon. Sabi ko naman babalik ako pag meron na akong pangpunta. Yun kasi ang pinaka epektibo na stress reliever. Mapipilitan ka kasi magsagwan. Bawal petiks kundi itatapon ka sa Manila Bay. Niyayaya pa ko sa night training sa Aguinaldo. Tingnan ko pa kung feasible.
Napapabasketball na ulit ako dito sa amin. Meron pa pala akong bala konting hasa lang. Para akong bulang biglang sumulpot sa court. Antagal na kong di nakita ng mga kababata ko. Sa ngayon kalaro ko yung mga trabahador sa tapat ng bahay namin. As usual lagi akong may free sopdrinks. Ayoko na yung talo parang nagsawa na ko.
Kung California Scents Cherry pabango ko sa kotse gusto ko music maroon 5 yung Won't go HOme Without You. Panalong panalo parang MTV. Kulang na lang video LOL. Kaso wala pang radyo amp! Sana may magregalo. WAg na lang truffles. O pahiramin ako ng mga mayayaman kong kaibigan. Yung mga yaming ba na walang problema sa pera. Teka lang meron ba ko nun? Acapella na lang muna. Test drive na bukas sana walang tulo. Doble tapal na yun at nilagyan pa ng steel epoxy.
66.5 kilos na lang ako down from 70kilos. 1.5 pa.