Tuesday, February 17, 2009

Kelangan ko ng Pahinga

Whew! Sa mga nakalipas na araw wala akong pahinga. Pinuntahan ko lahat ng pdeng punahan. Ginawa ang lahat ng pwedeng subukan. Nakakapagod din pala. Kelangan ko ng pahinga.

Mula nung dumating ang kaibigan ko galing Oman e lagi na akong napapadpad sa QC. Medyo wala sa schedule at wala rin sa budget. Tangnin rason ko na lang sa aking sarili e minsan lang naman. Pero dumalas ang minsan kaya parang araw araw na.

Galing sa pagrorow nung madaling araw napadpad ako sa Xavierville. Nakivalentine,s party at nadagdagan siguro ng 2 kilo ang timbang. Nagpakunsulta kay Noel kaya ngayon e dinadagdagan ko na rin ng konting kolesterol ang aking katawan. Masasabi ko kasing ang diet ko e zero cholesterol mula nang malaman ko ang mga facts tungkol sa tamang nutrition. Binigyan nya rin ako ng tips para makuha ko ang aking goal na 12% body fat pero kahit yun e tinigil ko muna. Mahirap kasi pagsabay sabayin ang pag iisip at ang pagbabawas ng timbang. Meron pa kasi akong gustong mangyari e.. inaantay ko pa lang matupad.

Pagkatapos e binisita ko si Foomberto para tumulong. Ayun kahit papano e may naitulong naman kami ni Ismael. Inabot kami doon ng halos ala una na ng madaling araw. Pagkatapos kila foom e pinuntahan ko naman si Hanne sa Technohub. Grabe parang sa isang araw e mabibisita ko lahat ng blockmates ko. Pumunta kaming pampanga para manood ng mga baloons. Thank God hindi bumigay ang sasakyan. Kaya pa pala papunta ng Angeles.

Pagkabalik e pumunta naman ako kila Sudar para kumuha ng trabaho. Di ko akalain mg parang susuko na sya. Hehe kala ko pa naman diyos sya ng arki. Take home animation ang ginawa ko. Kahit papaano e nakatulong naman daw. Di ko na talaga kaya pumunta muna ng Katips kaya di na ko nakatulong sa model. Kung diyan lang ako nakatira edi sana kahit araw araw pa.

Tapos despedida naman ni Janrey. Haay from north to south to north to sounth na ako. Marami raming gas na rin ang nasusunog at tolgate na nagagastos. Di pa ko mayaman kaya iniisip ko pa tong mga gastos na ito. Isipin mo P130 kagad tollgate pa lang. Kung sana walang toll kaya pa. Bibili talaga ako ng condo dyan sa norte para matanggal ko ang tollgate sa equation. Yun ay kung walang magpapatira sakin. ^^

Sa wakas nakauwi din ako at sinabi kong break muna. Buti na lang at may butas yung power steering hose at di ko pa pinagwa. Yun nga lang nakaparada kung saan ako nag eexercise. Kelangan mawala na iyon sa Lunes kasi nahuhuli na ako sa laban.

Sana dumating na yung hinihintay ko para maisaayos ang aking finances. Kelangan na nyang magsettle medyo sabog pa sa ngayon. Tiis tiss muna mga kapatid. Darating din ang umangang kay ganda. Wish ko lang. Hanggang sa muli.. paalam!

1 comment:

Anonymous said...

"Bibili talaga ako ng condo dyan sa norte para matanggal ko ang tollgate sa equation. Yun ay kung walang magpapatira sakin. ^^"

mikey, mikey, may nagpaparinig. LOL~

pero ako din pagod. ayun at na ER na nga kase lumala ng lumala ang mga kung ano-ano. hinde na ako makahinga. ganun pala feeling, akala ko mamamatay na talaga ako nun sa ER na walang kwenta sa MCU. inisip ko pa...sana sa medical city nalang ako kahit malayo...hahahaha~ mamamatay nalang nag inarte pa.