Saturday, February 28, 2009

Parang Magic!

Dalawang linggo akong naghintay para lang sa araw na ito. Na makuha ko ang inisip ko. Na ang mga sakripisyo ay magkaroon ng bunga. Salamat sa lahat ng tumulong darating na rin ang bagong sasakyan. Di ito pansarili lalo na pampapogi. Ito ay para maipagpatuloy ang pagtulong kahit lang sa maliit na paraan. Sabi ko nga kay manong at mang romy.. hintay lang kayo at magtiis. May pag-asa ang lahat magtulungan lang tayo.
Nahirapan kami sa pagkuha ng bagong unit kasi la naman kaming malaking pera. Dumaan sa butas ng karayom.. nagtiis. Lagi kong sinasabi na kung ako lang e may malaking sweldo e tapos na ang lahat. Pero sa totoo lang e mas masarap na nagagawa ko ito ng meron lang akong konti. Dahil alam kong madali na lang sa darating na mga panahon. Masarap kung nagawa mo galing sa wala kasi parang Magic! Ang galing!
In time gusto ko bumili ng van at bilhin ang kapitbahay namin. Magagawa ko yun. I'm still burning!

2 comments:

Anonymous said...

nakakatuwa naman ang positibong pananaw mo sa buhay. ayos, may naipundar ka na naman na isa pa! para sayo at para sa mga taong gusto mong tulungan. ayos.

ganidako said...

ayos pero nakakapagod. dami naming nilakad kaninang mga papel. Waah!