Friday, February 13, 2009

Im Not that Dead

Isang talinhagang nagmula sa tinig ng anino. Walang malay, ulira't isip sa ulo. Bakit ba minsa'y hindi ka makahinga. Pero sa katunayan ikaw ay buhay pa. Oo totoo nagkamali ka. Buhay mo'y nawasak dahil sa disgrasya. Di mo dapat ipagkaila bagkus ay aminin, na buhay mo'y lumaktaw isang ihip ng hangin.
bow!
---
Nakakapagod ang araw ko. Buong oras nasa lansangan naghahanap ng radyo. Pinagkasya ang perang pinagpuyatan. Para mabago lamang ang gulong sa likuran. Natuwa ako sa mga nangyari, nagkatotoo aking mga sinabi. Although meron naging problema. Nasira ang araw ko pansamantala. Biruin mo sira ang nabiling piyesa na iniisip kong gamitin sa aking paglarga. Buti na lang bukas pa ang tindahan ni aling Nena.
Bukas maglalakbay ako, paputa sa laot na sobrang baho. Pero ito'y di ko iindahin. Dahil ito ang gusto ng aking damdamin. Maramdaman ko lang na may tibok pa.. ang pusong sinaksak at tinapon sa basura. Babalik ako itaga mo sa bato. Dahil humihinga pa ang minsa'y pinatay mo. Amen!

No comments: