Wednesday, January 28, 2009

Sopdrinks

Sa totoo lang di ako marunong magsulat at di ako mahilig magbasa. Mas gusto ko pa manood ng video kaysa aralin sa libro ang mga lessons. Kaya siguro ang hina ko sa vocabulary at kaya ayoko ng english language. Di tuloy ako magaling mag ingles. Magbarok expert ako.
Dati feeling ko mamamatay na ko. Parang di dumadaloy dugo ko. Parang di tumitibok ang puso ko. Ang hilig ko kasi sa taba e. Bicol express at breaded pork chop. Yan tuloy pagising ko isang araw di ako makatayo. Sumikip dibdib ko parang pagpinilit mapuputol ang ugat. Pakiramdam ko nagkasakit talaga ako sa puso. Parang na mild stroke ako. Imaginin mo titikim lang ako ng sabaw ng papaitan sumasakit na batok ko. Simula nun di na ko kumain ng taba. Takot akong mamatay e. Ayokong mastroke!
Pag-uwi ko dito sa bahay nung November dun na tumindi. Parang ayaw ko na matulog kasi baka di na ko makagising. Tapos nanghihina yung left side ng katawan ko. Kinabahan talaga ako. Di na nga ako kumakain ng baboy ganun pa rin. Kaya napilitan ako magpacheck up. Actually andami ko nang check up na napuntahan bago nito pero parang di ako naniniwala sa mga doctor. Kasi di nila mahanap sakit ko. Para lang silang namemera.
Ayun antaas pala ng cholesterol ko. Umaabot na sa ulo. At uric acid dahil sa kakakain ko ng sardinas. Akala ko nga meron din akong diabetes e kasi pagkumakain ako ng chocolate parang nanghihina ako. Patayin na lang sana ako kung di ako pde kumain. Hehe. So ngayon konting konti na talaga ako mag tababoy. Di narin ako nagsasardinas at lucky me pancit canton. Patikim tikim na lang. Sabi ko kay Lord wag nya muna ako kukunin kasi marami pa akong gagawin dito sa mundo. ^^
Ngayong linggo parang la akong ginagawa sa opis. Nag-aaral lang ako ng flash dito sa bahay. Parang ako lang ang walang contribution kaya nagiguilty ako. Kelangan ko makagaaw ng game! Ayokong sumweldo ng walang ginagawa at ayoko lalong lalo na matanggal dahil dito. Lagi akong lumalabas kasi tinitingnan ko gumawa tatay ko ng kotse. Badtrip nga e may butas yung radiator parang gusto ko tuloy bilhin lahat ng radiator sa buong mundo. Basta sabi ko sa kanya gagamitin ko yan sa Sabado sira o hindi. Magrorow na ulit ako. 445am daw ang call time. Buti naman at welcome pa rin ako kahit nawala ako ng isang taon. Sabi ko naman babalik ako pag meron na akong pangpunta. Yun kasi ang pinaka epektibo na stress reliever. Mapipilitan ka kasi magsagwan. Bawal petiks kundi itatapon ka sa Manila Bay. Niyayaya pa ko sa night training sa Aguinaldo. Tingnan ko pa kung feasible.
Napapabasketball na ulit ako dito sa amin. Meron pa pala akong bala konting hasa lang. Para akong bulang biglang sumulpot sa court. Antagal na kong di nakita ng mga kababata ko. Sa ngayon kalaro ko yung mga trabahador sa tapat ng bahay namin. As usual lagi akong may free sopdrinks. Ayoko na yung talo parang nagsawa na ko.
Kung California Scents Cherry pabango ko sa kotse gusto ko music maroon 5 yung Won't go HOme Without You. Panalong panalo parang MTV. Kulang na lang video LOL. Kaso wala pang radyo amp! Sana may magregalo. WAg na lang truffles. O pahiramin ako ng mga mayayaman kong kaibigan. Yung mga yaming ba na walang problema sa pera. Teka lang meron ba ko nun? Acapella na lang muna. Test drive na bukas sana walang tulo. Doble tapal na yun at nilagyan pa ng steel epoxy.
66.5 kilos na lang ako down from 70kilos. 1.5 pa.

5 comments:

Anonymous said...

ayos, ang bango ng pabango mo sa kotse!

grabe naman yan, mataas na agad ang cholesterol mo, pati ang uric acid. tsk tsk tsk! mag row ka na lang ng mag row, para maubos ang stress mo. pwede ba dagdagan mo pa? para naman stress ko ang mawala. hehe.

Anonymous said...

baka tingin mo lang sa sarili mo hindi ka marunong sumulat. hindi naman kailangan na magaling ka sa ingles o sa vocabulary para maging magaling sa sulat. minsan nasa istilo rin naman iyon. kung paano mo ipapahiwatig yung gusto mong mensaheng iparating.

kung mataas uric acid mo, wag ka na masyado (o wag na talaga) uminom ng kape. kung kaya mo, kahit yung decaf na lang. iwasan mo rin yung mga beans at legumes at yung mga gulay na nasa cabbage family tulad ng repolyo at pechay. pati rin pala broccoli at cauliflower. mataas din ang bangus. at syempre mga lamangloob. wag mo na ako tanungin kung paano ko nalaman. gets mo na dapat yun :)

inggit naman ako sa yo ang bilis mo pumayat. sana ako rin. hay

ganidako said...

hoy anonymous sino ka? doktor ka b o nutritionist? Lagi pa naman ako nagkakape. So ano nang pde ko kainin ngayon?

Anonymous said...

hindi ako doctor pero pwde sana kung hind lang ako hihimatayin sa dugo haha yung mga sinabi ko yung bawal sa yo. syempre pati sardinas bawal. eto yung mga dapat iwasan na pagkain: lamang loob, fish and shellfish: alumahan, bangus, dilis, matambaka, tamban, tanigi, tunsoy, bisugo, tulingan, gravy, alcoholic beverages.

eto yung mga dapat paminsanminsan lang: oatmeal, lean pork, beef, chicken, fish, shellfish, itlog, keso, fats

bukod dun sa mga sinabi ko pwde na hehe pa-chceck ka dapat uli every 3-4months, pag ok na kahit annual na lang :)

hindi ako anonymous. wala lang ako blog hehe

Anonymous said...

lika na bike na tayo. off road na. dali. para kasama na tayo sa ToF. training na!