
Pero mukhang magiging busy ako sa work. Kelangan ko mag aral ng character modeling ulit. Naku medyo baguhan ako dito. I need confidence! Kala ko pa naman matutuloy tuloy ko na ang pag aaral ng flash. Marunong na ko pa naman gumawa ng memory game. Di ko pa lang napag-aaralan mag random ng cards. 51/60 nga pala nakuha ko sa exam. Badtrip wala akong + 5 kasi di ko nilagay yung date at section. Ok naman marami akong natututunan. Baka in the future maghanap na lang ako ng scrap na papaandarin. Mas gusto ko kasi either ferrari o pinakalumang sasakyan. Mitsubishi boxed type oks din. Mini at volks.
Kukuha na ako ng credit card. Mukhang HSBC kasi yun may kilalang agent. Imemeet ko sya sa SM bukas dala lahat ng requirements. Sana maaprove para makapangutang na. Joke! Gagamitin ko lang ito pambayad ng bills. Kukunin ko siguro Mabuhay Miles para meron akong makuhang free ticket. Gagamitin ko rin to in case of emergency. Baka minsan magutom ako. Pde ring pambayad sa fishball at kwek kwek. Kawawa na rin kasi kapatid ko sya ang may maraming utang dahil sa pagkain dito sa bahay. Siguro panahon na na siya pa rin. Hahahaha!
San kaya ako unang pupunta? Medyo baka kelangan ko manghirap pag pupunta ako ng malayo. At least ngayon meron na akong pde itrade.
Row row row your boat here I come.
5 comments:
ayos! pwede kang pumunta dito para makasakay naman ako sa kotse mo! bili mo na pabango yung cherry scent, yung gamit palagi nung dati kong auto. hehe. naalala mo pa ba ang amoy?
astig ang kotse! enjoy sa pagdrive!
cherry scent? ano brand nun?
shet. gusto ko din mag rowing. :(
road trip na ba?? alis tayo next week!!!!
hinde ok ang HSBC at lalong walang kwenta ang mabuhay miles. sayo na lahat ng miles ko kung gusto mo bago ko pa ipacancel.
akala ko may magbibigay na ng radyo sayo?
Post a Comment