Monday, January 5, 2009

70Kg of Life

Paalala: Ang mga nakasulat dito ay naglalayon na kayo'y inisin at paglagablabin ang inyong damdamin. Mabuting kumuha ng calamansi para ilagay sa magiging sugat ng inyong ugat. Wag kayong matulog! Paging Y101.
So ngayon akala nyo namatay na ko. Kala nyo nawala na ang puso ko. Wag kayo mag alala di ako gagaya kay FAE. Sori pero pag naiisip kita namumulat ako sa katotohanan. Ayoko mag mukhang tanga sa matagal na panahon. Peace! Para sa inyong kaalman nag hibernate lang ako. Nagpalaki ng tiyan para manalo ng 20K. Mikey ipagsama mo na lahat ng nutritionist at doctor na kilala mo di mo ko kayang talunin. Lakarin mo man mula Apari hanggang Jolo di puputi ang uwak. Joke! Ok ba na motivation? LOL.
70kg ang aking timbang mga tsongkee. Sige papaunahin ko kayo para kunwari talo nyo ko. ;p Di muna ako magbabasketball araw araw at magbabadminton at magkekeyboard at maglalakad at magbibike at magboboxing. Di muna ako mag ooats at kakain ako ng maraming kanin. Sige lang kaya nyo yan. hahahaha!
Maiba tayo. Ang ganda pala ng munisipyo ng Muntinlupa. Buti sinunog ng nakaupong alkalde yung luma. LCD monitor at aircon ang hallway. Parang bayaran mg mga private ompanies. Sarap tuloy kumuha ng maraming cedula para punitin at ideklara ang iyong KALAYAAN! hahaha. Kumuha din ako ng Affidavit of Loss kasi nawala ang puso ko. Libre lang hatid ni Aldrin San Pedro. San ka pa galing pang langit yun! Bukas kukuha naman ako ng Police at Barangay Clearance kasi tinamad akong lumaban at ipagtanggol ang ... kalapating mababa ang lipad. So bukas na lang.
Pahabol pa pumupugak na pala ang kabayong sasakyan natin sa pagpunta sa kawalan. Sama na lang kayo.

5 comments:

Unknown said...

hehe ndi matatalo ang aking teknik... hihiga na nga lang ako at ndi kakain, at malulungkot at maaawa sa sarili hehe. makikita na lang natin sa july 2 ang resulta. masaya rin kaya magkabonus na 20k hehe.

ganidako said...

Hahaha! Akala ko bonus 20kg ang gusto mo. ^^

Pinay in Heels said...

ako masaya na sa 10lbs na mawala at wag na babalik.

masaya na din ako magkaron ng new hobby at maging healthy.

pangarap ko makapagbike hanggang sagada.

the little monster said...

ayan andito na ko.

patabaan ba ang laban?? haha. gusto ko pa din mag-rwo muli. pero walang time. :((

ganidako said...

walang time? di ka na pde sa madaling araw?