Wednesday, January 7, 2009

Method 2: PS3

Malabo at mabilis ang paligid.. sarili ko lang ang natatanaw. Sumasakit ang kalamnan at bumibilis ang tibok ng puso. Parang gusto ko na sumuko pero wala akong magagawa. Kelangan ko makarating sa aking paroroonan. Madumi man ang hanging aking nalalanghap. Tulo man ang dugo at pawis sa aking katawan. Nakakapagod pero nakikita ko na ang liwanag, ang dulo ng tila mala Ahas na daan na maraming lubak na dapat mong iwasan. Andyan na ako konting konti na lang...

Tanong sakin ng kaibigan ko ano ba ang motivation mo para mag umpisa ulit ng blog? Sabi ko sa kanya na "Its only love that can change the world" LOL. Di ko naman sinasabing babaguhin ko ang buong mundo. Oks na sakin ang mga taong nakapaligid sakin e mapasaya ko at mapadama ko na di sila nag iisa. Isa akong propeta. Isang messiah na magbibigay ng saya sa maraming tao. Di ko man mahati ang Manila bay o gawing alak ang tubig sa canal pero alam ko na meron akong magagawa. Kelan man di ko naging motibasyon ang kwarta.

Kaya kung sa tingin nyo mananalo kayo dahil iniisip nyong makakakuha kayo ng 20k hehe mababaw na motivation yan. Sobrang hina kung ikukumpara sa naglalagablab na apoy na nananahan sa aking damdamin. Ang lalim no? haha. Wag nating isipin ang pera bagkus isipin kung anong pdeng mabuting maidulot nito sa ating kapwa at sarili. Gusto nyo try nyo method ko. PS3 lang kada break tapos inom kada off tapos dinner kada date tapos tulog as pahinga. Sigurado ako makakamit mo ang iyong mithiing makamit ang 20Kg pagdating ng 6 months. LOL Mas ok naman to kaysa sa maging malungkot at antayin ang pagbagsak ng bayabas galing sa puno.

Kanina nga pala dumaan si manong. Sira kasi sasakyan nya kaya wala syang pambili ng bigas. Kaya naghiram muna siya. Kahit papano naguilty ako kasi alam kong meron akong nagawang pagkukulang. Dapat kasi napaayus na kahapon e. huhuhu. Next time pag ay lisensya na ako di na pde mangyari yun. Nagkukulang ako sa time management at napapagbaliktad ko ang aking priorties.

... ayun nakabalik na ko sa amin galing s pagbabike. Medyo malayo din narating ko at pinawasan ako. Paikot ikot lang sa bundok. Niyayaya ko nga tito ko para makapunta kami sa bilibid. Mas ok dun di ka na pde makalabas.
Pano ba yan kelangan ko na kumuha ng police clearance. Bumaba na timbang ko 69kg from 70kg. Napakalaking improvement. No rice pa rin pero kumakain ako ng truffles once in a while. LOL. Inaantay ko na rin ang dark chocolate galing kay Janrey. Meron nga pla kaming bagong intern galing DLSU. Wala lang. Sa susunod maglalagay ako ng pic. Hahahnapin ko pa kasi yung camera naming di uling pa e. Nakabaon ata sa baul.

Inay sabi ko wag ka na maghugas ng plato e. Amp naman! Naiinis ako pag sya naghuhugas ng plato. Di sumusunod sa batas trapiko. LOL
Malapit na akong magdeliver ng Maja Blanca sa inyong mga tahanan. Kung sino man kayo tanggapin nyo ko at pagbuksan. Gusto ko ng kape na may coholate chips.ΓΌ

2 comments:

the little monster said...

ayan na naman ang maja blanca. haha. may utang ka pa sakin yellow cab. at may utang akong kape from starbucks. :p

ganidako said...

sige pag nagkita tyo. ;)