Wednesday, January 7, 2009

Arki Mekanik

Di ko alam pero parang tinatawag ako ng iyak ng bakal. aNg daing ng turnilyo at hinagpis ng makina. Nadarama ko ang tulo ng langis at tubig sa aking lalamunan. Ang init ng tambutso at lamig ng aircon. Ang gaspang ng gulong at dulas ng pintura. Di ko na mapigilan ang sarap ng paglanghap sa Co2 na nanggagaling sa tambutso. para akong adik na hinahanap hanap ang bawal. Di ko na kaya.. kelangan ko na maging taong grasa.
Bukas pupunta na ko sa TESDA at makikigulo sa mga mekaniko. Magtatanong ako kung ano ang schedule at mag-uumpisa ako kaagad. Walang nang makakapigil... para akong isang bolang bumabagsak at naglalalagblab. Binuhusan ng gasolina. Pasensya na di tayo magkakasundo. Hirap ako magpaliwanag pero alam ko na mas makabubuti ang konseptong isinasabuhay ko. Peace MAn.
Ang gusto ko sa pasko ay ang mga sumusunod. Siomai, spanish bread, okoy, suka na may fresh onion, ginabot at pizza sa rustans. Yung 26 pesos at yung tinapay na may chocolate chips. Samahan nyo na ng C2 yung red o kaya tampico yung malaki. Maasim. Sana makasingil na ko bukas kelangan ko na ng pera. New year!
Weight update: Ansakit ng tiyan ko dahil sa sit ups. Nagkacramps. Kelangan ko magtraining may laban pa kami ni manny pacquiao sa May 2.

No comments: