Saturday, January 10, 2009

All Shall be Revealed

Sa Monday estudyante na naman ako. Mag-aaral na ko ng automotive sa TESDA. Bale 2 parts yun unang part ay under-chassis sunod naman ay troubleshooting. Ang pasok ko ay 8am - 12pm. Araw araw for 6 months. Ibig sabihin kelangan ko gumising ng maaga. Di na rin ako makakapanood ng NBA game live streaming. May nagtatannog sakin pano yung pagiging arki mo? Hindi ba sayang? Sagot ko e hindi naman kasi naaaply ko naman ang Concept power na pinagmamalaki ng UP Diliman. Tsaka nakakapag arki naman ako paminsan minsan. Di nga lang design. Pagdating ng panahon siguro.
Nagulat ako ang ganda ng clasrooms sa TESDA dito sa Munti. Akala ko yung napapanood ko sa TV na walang blackboard at umuulan. Dito modern design at ang luluwag ng silid-aralan. May ID pa nga at uniform. Baby blue LOL. Affordable lang ang tuition at sigurado namang matututo ka. 900Php lang yung buong kurso. So kung sino mang may timwe mag aral din kayo. Merong reflexology, dress making, building electrical, electrician, hotel and restaurant management at iba pa. Para naman maramdaman nyo na kahit papano ay may ginagwa ang gobyerno di lang pangungurakot. Hahaha
Nakuha ko na rin ang bago kong lisensya. Syempre alam nyo naman sa LTO kung paano ang nangyayari. Siguro tatlong oras ako tumagal. "Basta pag may tuldok ang bilog itiman mo." Yan ang instruction nung isa dun sa mama. Samantalang ang sagot naman sa mga tanong ay nasa board sa gilid. Pag-uwi ko may nadaanan akong bakery ang liit lang ng oven nila 4 layers lang ata 0 3 layers. Pag nagkapera ako bibili talga ako ng ganung oven. Napakain tuloy ako ng tinapay kasi mainit paat sobrang sarap. Busog tuloy akong nakauwi. Napilitang magbike sa 4 rounds sa aking route. Sana ngayun 5 rounds na.
Sa ngayon bothered pa rin ako sa ginawa ng tatay ko nung isang araw. Para akong sinaksak ganun ang feeling. Kelangan namin mag usap usap bago may mamatay at hindi ako yun. Siguro ito ang magiging tentative sked ko sa araw araw.
5 am - 7 am - rowing
8 am - 12 pm - TESDA
12 pm - 1 pm - no eating
1 pm - 5pm - work work
5 pm - 6 pm -biking
6 pm - onwards - work/ play/ study/ chat
La pa nga akong balita sa mga nagthethesis. Ibig sabihin weekends na lang ako makakatulong dahil may pasok ako. Ibuzz nyo ko mga thesis mates. hehe

5 comments:

the little monster said...

wat? nag rowing ka na ulit? inggit ako. :(

the little monster said...

may baking ba dun? yung cake at pastries, hindi yung pang bakery? gusto ko din mag-aral kaso dukha ako kaya pang tesda lang. haha. at, may part-time estudyante ba o full time lahat ng courses?

mordsith said...

ako mag-enroll na din sa ITTC. yung sinasabi ko sayo. sundays lang yun. kung gusto mong mas busy pa ang araw araw mo, pwede mong idagdag. haha.

ganidako said...

Ei Leni baka sa Feb ako bumalik sa rowing. Yung sa TESDA naman walang baking. Tsaka 4 halfday lang yung mga courses. Karaniwan trice a week. Sa katips alam ko may short courses ng baking. try mo dun.

ganidako said...

Mado whole day kasi yung ITCC. Tsaka kelangan ko rin magsimba. LOL