Monday, January 12, 2009

First Day High

Unang araw ko sa eskwela. Nakakatawa kasi estudyante ulit ako, kasama ang mga bata at matanda ng Muntinlupa. 50 ata kami sa classroom o higit pa. Iba maalam na ang iba naman na tulad ko mang-mang. Meron pa nga naka apat na ata na kurso at gusto yata mag aral habang buhay. Sa totoo lang dito ko naramdaman na kahit papano e may ginagwa pala ang gobyerno. Biruin mo napaka ayos ng facilities, malinis ang paligid at pakiramdam ko matututo talaga ako.
Nagsimula ang klase sa pagkukwento ng professor. Level 2 na raw sya na technician. Kinuwento nya kung pano sya napunta sa ganung trabaho. Maayus ang pagkakalahad nya ng buhay nya, hindi nakakaantok. Tapos diniscuss nya yung module na pag aaralan namin. Una ang Engine Overhauling - magbabaklas kami ng makina at papaandarin namin ulit. Balak ko bumili ng makina para maturuan ko rin mga kapatid ko. Para di lang ako may alam. Sunod naman ay ang underchassis. Nabibilang dito lahat na walang kinalaman sa makina gaya ng break, steering at iba pa. Excited na nga ako sa manula e worth 180Php.
As usual pede akong di pumasok kung gugustuhin ko. Pde daw kahit anong rason sabi ng prof. di ka nga lang matututo. MWF na rin yung pasok ko at least meron ulit free time! Kelangan ko magdala ng clearbook at index card sa Wednesday. Feeling ko isa akong highschool.
Nag-aaral din pala ako ng flash. Gusto ko sana ipost dito kaso lang di ko laa kung paano. Pangarap ko makagawa ng Arkwiz na game. Yung ilalagay mo lang yung mga tanong sa isang text editor tapos magrarandom na siya. Ok na sana sa array di ko lang alam kung pano magsusubtract sa mga tanong. Gusto ko rin makagawa ng pusoy na game at makagawa ng casual game AF style. Nandun ang Red dog syempre. Pota malupit na pangarap to. Kelangan ng time at effort. Syempre ang grapx si mikey na bahala. Pati animation. Ako lang ang magpapanggap na flash developer. LOL

No comments: