Wednesday, January 14, 2009

Ang Malaking Katanungan

Bakit? Eto ang tanong na pdeng masagot sa maraming paraan. Pedeng katotohan pede ring puro kasinungalingan. Pedeng taos sa puso at pede ring pagbabalat-kayo. Minsan kelangan mo lang talaga tumanggap nang sa gayon e makaalpas ka sa rehas na pilit kang ginagapos at binibihag. Maikli lang ang buhay natin wag nating sayangin.
Bakit ba ako nagmekaniko? Para matuto sa makina at para di rin maloko. Alam nyo naman sa buhay ngayun lahat ata iniisipang pagkakwartahan. Ang pdeng 6K nagiging 12K. Ganun ang mangyayari pag wala kang alam. Tsaka tatay ko ayaw ako turuan. Di ako pedeng umasa sa kanya kasi madamot sya. LOL. Pero totoo yun madamot sya kasi mas mahalaga ang bagay sa kanya kaysa sa tao. Kelangan nya marealize na mali yun. Ang makina pag nasira kayang gawin. Ang tao pag nasira ang damdamin, buhusan mo man ng pera wala ka ng magagawa. Pero ngayun nabibili na lahat e kaya baka tama sya. ASA!
Eto nga pala ang matututunan ko pagkatapos ng 6 na buwan sa TESDA:
  1. Diesel Engine tune-up
  2. Gasoline Engine Tune-up
  3. Service automotive battery
  4. Service Ignition System
  5. Test and Repair wiring/lighting system
  6. Perform underchassis preventive maintenence
  7. Service starting system
  8. Service Engine Mechanical System
  9. Service Clutch system
  10. Service differential and front axel
  11. Service steering system
  12. Service Braking system
  13. Service suspension system

Ang dami no. Pde na kong magtayo ng talyer. So kung magpapagawa kayo ng sasakyan pede nyo kong tanungin after 6 months. Medyo katumbas na nito ang NC1 na level.

Tips: Pag nakita nyong umiilaw ang oil sa dashboard pedeng nangyari ang mga sumusunod: 1. May tagas ang makina 2. Konti ang langis (low blood) 3. Marami ang langis (high blood). Wag isugal at itigil kagad. Baka magkakatok yari yun.

Sa pagbabasa/panonood ng blog ng kaibigan ko naisip ko pumunta sa mga festival. Mga fiesta sunud sunurin natin yung sa biyahe tyo na Ad ng wow Philippines. 100 crunches at 6 rounds of amateur boxing. Di pa kaya makuha ang 20k.

2 comments:

mordsith said...

parang ang sarap ngang maging estudyante uli! iskul bukol, estudyante blues!

ganidako said...

kasama ang mga estudyanteng pasaway. Pati na rin ang prof. Nagbotohan na kami ng class officers! LOL